Uber-flowing Mind Overload

by Klairewind


**sideline muna bago ang main event**

ofukuro: baket mo binuksan ang redwine?

atashi: eh ipinangluto ko, mukhang malapit na kase maexpire eh

ofukuro: inde naman naeexpire ang wine eh baka naman pinang inom mo nanaman yan?

atashi: (iniisip: anung inde? andami na nating expired na bote ng wine dahil inde nyo ginagalaw at nadurog na ang cork at naging suka na sa sobrang tagal!) inde, pinangluto ko nga lang

ofukuro: ikaw inom ka ng inom inde mo ba alam habit forming yang pag inom magiging adik ka pagtumanda ka na! nakakahiya ka!

atashi: (iniisip: hmm? inde pa ba ko matanda na? 27 na ko? ilang taon na ba ko sa tingin nyo? 18? at inde naman ako tanga para hindi malaman yan? dyusmiyo!) *nanahimik nalang bago pa makasagot ng hindi kanais nais sabay tawa nalang sa kalooblooban*

amfota, alam ko naman tumigil pag talagang kelangan tumigil. alam ko ang limits ko. inde ako tanga amfota.  tska pag ako meh kinaadikan alam ko na ang patern nyan: mag aadik ng bongga tapos paglipas ng ilang buwan.. paunti unting humuhupa hanggang sa hindi ko na sya masyado ginagawa kase either nakakatamad na syang gawin o hindi ko na nakikita ang silbi kung baket ko pa sya ginagawa. kahet kelan inde ako nagkaron ng “withdrawal symptoms” pag tumigil ako sa pag aadik sa isang bagay. i’m confident enough to say malakas ang control ko dyan. ika nga nila “it’s all in the mind.”

———————————————–

buong araw kung anu anu ang naiisip kong gawin na pampadagdag sa aking maliit na tambayang hardin. nagbutingting ng mga panibagong ilaw at gagawa sana ako ng lantern mula sa pinagtagping bote ng pepsi max pero bigo ako sa kinalabasan dahil hindi ako natuwa kase hindi naging blue yung tint nung ilaw 😐 kung kaya’t inayos ko nalang yung plant box nung garden at nilagyan ng black light yung gilid ng wall sa likod nung mga nasirang salamin na katambak. sa kabilang dulo naman ng swing eh pinakinabangan ko yung 19kopong-kopong naming lampara na nakabalandra lang sa isang tabi at ginamit muli 🙂 ayan! maganda na! pero parang nakukulangan pa ko….

madami pa kong gustong ilagay. gusto ko gumawa ng maliit na bangkito, lagyan ng vines yung isang bahagi ng hardin para magkaron ng parang vine wall effect chorva at siguro maglagay pa ng kung anu mang karagdagan na lantern para pagtumambay dun eh parang iisipin mong asa isa kang maliit na cafe sa labas 😀 balak ko din sanang ayusin yung coffee table na marmol na may chessboard na nakaukit at maghanap ng mga piyesa ng chess para naman mapanindigan nung table na pwede pa din syang paglaruan :))  maglagay kaya ako ng puno sa gilid? maglagay kaya ako ng aromatheraphy na lantern? maglagay kaya ako ng windchimes? fota andami kong naiisip… kaso sa kakaisip ko ng gusto kong mangyari… tinatamad akong gawin -___-

swing area ^_^

Advertisements