Tayo na’t mag enroll sa “Æther Ocampo High”

by Klairewind


hindi ko lubos maisip na darating talaga ang panahon na kelangan kong matutunan at makatungtong sa lugar na yan. kung dati palagi ko lang sya nababasa at naririnig sa kung anu anung mga dokyumentaryo, ngayon… nabinyagan ang aking nagmumurang diwa sa pagkubli ng mga sikretong matagal ko nang pilit hinahanap.

nung una akala ko joketime lang ang lahat. pero siguro dahil sa takot ako kaya yan ang lagi sumasagi sa isipan ko.

nagsimula ito nitong nakaraang sabado lamang. isinama ako ng aking kaibigan para magsimba sa Baclaran.  pagbungad palang namin sa gate ng simbahan eh ang banat ni Edong “whoaaaaa… naramdaman mo ba yun??”

“ang alin?” kako

“anlakas ng enerhiya dito.. para akong kinukuryente”

“ewan, nararamdaman ko lang parang umaalon na para akong nasa dagat”

“EXACTLY!”

sa totoo lang, aaminin ko ngayon lang, skeptic ako nung mga panahong yan kahet alam kong totoong merong mga ganyang pangyayari. nagpunta kame sa gilid nung simbahan upang magsindi ng mga kandila at mag alay ng dasal. tatlong kandila lang ang kinuha ko. sinindihan isa isa at isa-isa ding inisip ang intensyon sa bawat kandila. ang isa ay para sakin, para makita ang tamang landas na aking tatahakin. pangalawa ay para sa mga taong malalapit sakin na tutulong sakin at alam kong tutulungan ko din.. sa pangatlong kandila, dapat iaalay ko yun sa pagdating ng aking “kabiyak”… NGUNIT! SUBALIT! DATAPWAT! pagkatapos kong sindihan ay nadulas ang aking kamay at namatay ang apoy nito. naisip ko “naku, mukhang hindi ata para dun ang pagsisindi ko ng kandila… cge, masyado kase ako makulit, sabi nang madami pa nga akong kelangan ayusin at tapusin bago ako mabigyan ulit ng pagkakataon para umibig ng wagas.” kung kaya’t, ang pangatlong kandila ay ipinagsindi ko at inalay ko sa mga taong makakasalamuha ko na hindi ko kilala at hihingi sakin ng saklolo.mataimtim ang pagdadasal ko habang tinititigan ang mga kandilang nagliliyab at lumuluha. nakaramdam ako ng nakabibinging katahimikan sabay bungad ng parang mga nagbubulungan na bubuyog pero alam kong wala naman nagsasalita nun sa lugar na yon dahil nga lahat ng tao dun eh taimtim na nagdadasal ng tahimik.

paglabas namin dun sa silid eh bumanat si edong “narinig mo yung kanina? ang galing noh?” nawindang lang ako at napakwento kung anu ang naranasan ko na parang may mga boses akong naririnig kahet tahimik yung lugar. “oo yun nga” nalang ang nasabi nya.

pagtapos nun eh pumasok na kame sa simbahan dahil tamang tama, magsisimula na ang misa. tumayo kame sa bukana ng pintuan ng dambana. hindi ko naman intensyon ang hindi pumasok sa loob, ang totoo kaseng nasa isip ko nun eh baka saglit lang kame kaya hindi na kinailangang umupo pa. dapit hapon na nung nagsimula maglakad ang prosisyon ng pari tungo sa altar at kami ni edong eh nakatindig at nagkwekwentuhan ng onti sa may bukana. bigla nalang nyang nabanggit na bigla syang pumasok sa aether ng hindi nya namamalayan dahil sa lakas ng nasasagap nya sa mga panahong yun at nararamdaman nga daw nyang unti unting narerecharge ang kanyang katawan. hindi ko nalang sya masyado pinansin at isa-isa kong pinagmamasdan ang mga tao na pumapasok sa loob ng simbahan upang kumatok ng hiling nila sa sto. nino at humaplos sa krus sa kanang gawi na dingding. iniisip ko nun, “baket kaya kelangang humaplos at kumatok para humiling? ano kaya ang mga hinihiling nila?” syempre inde naman ako pwede makichismis dun hehehehe

nagsimula na ang mga pagbasa. biglang nagsalita nanaman si Edong “makinig ka ng mabuti, para sa’yo ang mga mensahe sa mga babasahin ngayon.” ako naman inisip ko lang “umm ok, sige, bahala na si batman.” sa totoo lang medyo nalipad ang isip ko. pero unti unti kong nararamdaman na parang nawawala ako sa wisyo at parang lumulutang ako. nakarinig ako ng mga nagsisidaldalan na ibon sa itaas, naisip ko din kase mag gagabi na kaya siguro magsisiuwian na sila at magkwekwentuhan sa bahay nila ng mga sapalaran nila nung araw na nakaraan. hinanap ko ang tunog, naisip ko wala namang puno na malapit dun sa bukana ng simbahan para pag pugaran nila. bigla akong napatingala… AYUN asa taas pala sila nung mga bintana ng simbahan. naaliw ako habang nakatingala.. tapos napabalik ang tingin sa nagsasalita ng mga pagbasa pero inde ko maiwasan mamangha dahil mga itim na ibon ang nakita ko kaya tumingala ulit ako para pagmasdan sila ng mabuti. napatanong ako kay Edong “anu kayang klase yang mga ibon na yan? uwak?” habang tinatanong ko yan naisip ko bigla yung alaga ni San Benito na uwak. tapos biglang kabig ni Edong “naku, you do realize na kapag umipot yang mga yan eh diretso yan sa mga pagmumukha natin! tara pumasok tayo sa simbahan.” at naka tatlo o dalawang hakbang kame papasok at muling nakinig sa misa.

paunti unti lang ang mga parte ng mga pagbasa ang bigla ko nalang maririnig at tatak sa isipan ko… mga katagang kelangan kong pagtuunan ng pansin. nung una, hindi ko pa binigyan ng importansya yung mga katagang pinarinig sakin sa dalawang pagbasa, kung kaya’t inintindi ko nalang ang paglutang ng aking isip dahil sa sensasyon na para akong nasa pampang ng umaagos na dagat. nagsalita din bigla si edong ng pajoke “Full bat na ko! lakas makarecharge dito!” sabay ngiti ng malaki na parang nakatira ng chonki hehehehe

nagsimula na ang pagbasa sa gospel. ang tema ay “asin at liwanag”. habang nagbibigay ng pagbasa eh nagkokomento at nagjojoke pa si edong sa mga naririnig nyang kataga na panama daw sakin. medyo deadma pa ko nun at nakikisakay lang… ng bigla kong marinig ang mga katagang ito:

” Wala din namang taong nagsisindi ng ilaw at pagkatapos ay inilalagay iyon sa ilalim ng malaking takalan. Sa halip, inilalagay iyon sa talagang patungan upang matanglawan ang lahat ng nasa bahay. Gayundin naman, dapat ninyong paliwanagin ang inyong ilaw sa harap ng mga tao upang makita nila ang inyong mabubuting gawa at papurihan ang inyong Ama na nasa langit.”

bigla akong nanlamig sa mga sumunod na katagang narinig ko sa isipan ko na tila parang nangungutya. kelangan ko na raw maglantad. at hindi lang basta maglantad… kelangan na malaman ng pamilya ko maslalo na ng aking istriktong nanay ang ukol sa pagbabasa ko ng tarota. napa bulong ako ng malakas habang nag iisip “potek yan, seryoso ka ba????” ngumisi lang si Edong sa tabi ko at sumagot ng “oo, sabi ko sayo eh.” tapos sabay dagdag “mamaya kelangan mo daw mag reading kay Tarry kase may mensahe daw para sayo.” napasalita ako ng “huwat? wag naman dito sa simbahan!”

“GAGA malamang inde dito baka gusto mong kuyugin tayo dito, hanap tayo ng lugar mamaya hehehehehe “

dumating ang oras ng pangungumunyon.. habang palapit ang isang server sa kanyang istasyon eh biglang napaatras si edong dahil sabi nya naramdaman daw nya ang lakas ng enerhiya na dala nung lalaking may hawak ng mga ostya. pumasok kame at sumenyas si edong na mangungumunyon daw sya. naisip ko bigla, “ilang taon na kong hindi nangungumunyon dahil sa taliwas na paniniwalang nadiskubre ko noon at pinag awayan pa namin ng magulang ko ang dahilan kung baket inde na ko nangungumunyon. pero sige… sa pagkakataon na ito, parang tinatawag akong tumanggap ng walang pag iimbot.” kung kaya’t lumapit ako at tumangap ng ostya. naisip ko nalang habang ninanamnam ko ang aking natanggap eh isa ‘yong biyaya na binigay sakin at walang sino man ang pwede humusga kung karapat dapat ba kong tumanggap nun o hindi dahil kameng dalawa lang ng Maykapal ang nagkakaintindihan kung baket kelangan ko sya tanggapin.

natapos ang misa. bago pa man ang misa eh sinabihan na ko ni edong na kelangan daw nya/namin mag meditate sa may bandang harapan ng altar. kaya ayun, nag intay lang kame saglit at pinadaan ang mga taong palabas na ng simbahan at nung numipis na ang kapal ng taong palabas eh saka kame pumasok sa loob. nung una eh medyo mabilis pa ang paglalakad naming dalawa at tinanong pa ko kung san ko daw gusto maupo kung sa kanan ba o sa kaliwang bahagi ng altar. sabi ko nalang “bahala na.” habang naglalakad kame palapit ng altar.. hindi ko maintindihan kung baket at bigla nalang napabagal ang paglalakad ko. ika nga ni edong eh para daw akong “ikakasal” sa bagal ng paglalakad ko hehehe. pagdating namin sa may bandang harapan, inantay ko munang makaupo si Edong. pinili nyang umupo sa may kanang bahagi kung kaya’t dun ako sa may kaliwang bahagi ng altar.

pagka-upo ko, tumingin muna ako saglit sa mga nakapaligid saking mga tao at inintay ang ilan na umalis muna bago tuluyang pumikit. pinagmasdan ko muna yung isang pamilya sa may harapan ko na may makulit na batang naglalaro at yung lalaki na staff ng simbahan habang sinarado nya ang gate ng altar. pagtapos mag masid ng onti eh pumikit na ko at tinandaan ko ang kwento sakin ni edong kung pano hanapin ang pintuan papasok sa aether. kelangan daw ibalanse ang mga chakra at hanapin ang iyong “center”. kusa daw mag aadjust ang iyong katawan sa prosesong eto, at oo nga, nagulat at nawindang nalang ako sa mga susunod na pangyayari.

habang nakapikit ako at humihinga ng malalim, nararamdaman kong unti unting bumibigat ang pakiramdam sa aking noo pero parang unti unti ko din nararamdaman na para akong nalutang. “ayun na!” naisip ko bigla na malapit na ko sa “gate” ng aether ocampo high. bigla akong nakaramdam ng nakakabinging katahimikan. alam kong medyo maingay ang paligid ko pero sa kaloob-looban ko, may nakakabinging katahimikan. unti unti din nag-iba ang nakikita ko habang nakapikit.. kung sa una eh parang pula lang (kase diba pag may ilaw tapos pumikit ka parang pula yung makikita mo, try mo dali para magets mo yung sinasabi ko hehe) biglang parang dumilim.. at nakakita ako ng mga parang nagsasayaw na ilaw na mukhang mga “aurora/northern lights” na kulay blue at green. my mind cannot comprehend what i was thinking,seeing and feeling but i was fully aware that i am at the aether’s gate and something pushed me inside the gate. (pagpasensyahan inde ko sya matagalog bigla haha) pagpasok ko sa loob biglang lumiwanag. nasira ang konsentrasyon ko dahil nagulat ako sa liwanag kung kaya’t dumilat ako saglit, sinarado na pala ang ilaw sa harapan ng altar at medyo madilim na sa kinalalagyan namin pero may mga ilaw naman sa gilid ng simbahan pero nakapagtataka pa din kung san nang galing ang liwanag.

pumikit nalang ulit ako. pagpikit ko, mabilis pa sa alaskwatro eh nakapasok ulit ako sa pinaglalagyan ko kanina bago ako dumilat. “nagmasid” ako sa loob. puro nasayaw lang na ilaw ang nakikita ko. nag iintay ako ng impormasyon na mangangalap ko at nagtatanong “ano na? asan na ba? anu ba ang gusto mong ipahiwatig sakin ngayong araw na to?” may bumulong nalang at sinabi “antayin mo nalang mamaya at magbasa ka ng tarot, dun ko nalang sasabihin sayo para mas maintindihan mo.” inde ako nakuntento sa sagot. inulit ko lang ang tanong ko, inulit lang din nya ang sagot nya. sabi ko nga, makulit talaga ko.

bigla akong napadilat ng mata at biglang tumingin kay Edong sa kanan. mukhang kakatapos lang din nya at mukhang sabay din kaming dumilat ng mata. nagkasenyasan lang at tumayo at naglakad na palabas dun sa may gilid ng simbahan.

“nakapasok na ko sa loob! para akong nawiwindang, pakiramdam ko para akong nalutang at nilalamig ako.” sabi ko keh Edong.

“ganyan talaga ang pakiramdam, ako naman pagnapasok ako sa loob parang nakukuryente ang likod ko pataas-baba.”

naglakad kame palabas at tinanong ni Edong kung san namin gagawin ang reading, nakakita ako ng Jolibee kaya sabi ko dun nalang. pero naka kita kame ng nag iihaw ng pusit kaya segway muna. bumili kame at habang nakain eh nagkwekwentuhan. bigla ko nalang nasabi “Eh di ibigsabihin pala nito eh naka enroll na ko sa Aether Ocampo High!” sabay tawa.

“haha oo nga!”

“sa totoo lang akala ko talaga nung una mong binanggit yang Aether Ocampo eh totoong lugar sya dito sa maynila na skwelahan hehehe kaya nung sinabi mong papasok ka na nung isang araw napabanggit nalang ako ng “ingat!” gyahahahaha” napahalakhak nalang ako.

naglakad na kame tungo sa may Jollibee. pagbungad sa may bintana nakita namin madami tao. pati sa taas merong party kaya malamang inde kame pwede dun. dapat pupunta nalang kame sa isa pang branch ng jabee dun sa may berma o kaya dun sa chowking na kalapit ng berma ng maisipan ni Edong na mag goto nalang dahil meron syang suki malapit doon.

pagdating namin sa gotohan, sumalubong samin ang may ari na atashi at nakangiting bumati kay Edong at umorder na kame ng makakain. nag order kame ng dalawang goto, dalawang softdrinks, isang itlog at isang order ng tokwa. kumain. nagdagdag ng order ng dalawang lumpiang toge. sarap~! pagtapos kumain at magkwentuhan nagpaalam si edong keh atashi na lilipat lang kame saglit ng pwesto dahil merong isang mesa dun sa likod nung gotohan stand . tumayo kame at lumipat sa likod. nilabas ko si Tarry at yun na nga.. binasahan ko ang aking sarili. inde ko nalang ikukwento dito kung anong lumabas dahil pang akin lang yun na mensahe. hehe senya na.

habang nagbabasa ako at kinukwento kay Edong ang mga nababasa ko, biglang may nagtanong na babae na nakaupo dun sa lugawan stand dahil naintriga sa hawak hawak kong mga baraha.

“ate, magkano magpahula?” ang tanong nya.

“naku, wala pong bayad. libre lang po” sabay ngiti ko at alok ng “gusto nyo?”

“sige papahula ako tungkol sa lovelife ko at sa pag aabroad ko.”

binasahan ko ng baraha si ate. habang nagbabasa ako, ramdam ko na para akong nanlalamig at hyper na hyper. ang sabi naman ni Edong eh ramdam na ramdam nya ang enerhiyang dumadaloy sakin dahil daw pakiramdam nya eh para daw syang nakukuryente.  napansin ko din na bumilis ang pagbabasa ko at walang preno nalang ang bibig ko habang nagbabasa pero parang kinakabahan din dahil hindi ko alam kung totoo ba ang mga lumalabas sa bibig ko. sa mga panahong ito, may isang lalaki na nakiupo din sa table namin at kumain ng goto at itsurang parang nang uusisa sa ginagawa ko. nangungutya din sya dun sa ateng nagpapahula (feeling close ba?). pagtapos ko basahan si ate, nanahimik ito at parang namutla kung kaya nagtanong nalang si Edong keh ate “ayos ate? totoo ba?” napatungo at napangiti nalang sya at sabay banat nung kuyang kumakain sa tabi na “ako naman pahula din ako!”

“sige po kuya, balasa lang tapos magtanong ka at pumili ng pitong baraha.”

nagbalasa si kuya at nagsalita “ano kase, may karelasyon kase ako na nagaaral sa ibang bansa, gusto ko lang malaman kung magiging maayos ba kame kahet na wala sya dito?” tapos pumili si kuya ng kanyang mga baraha at isa-isa kong inayos at binuksan.

“maayos naman po kayo at nakikita kong walang problema sa kumunikasyon nyo kahet inde kayo nagkikita… (pause, naguluhan ng onti sa nakita sa baraha) pero ano kuya.. meh nakikita kase din akong isa pang tao na taga dito na bumabalik sa inyo. kaya kayo nalang po bahala kung gusto nyong pansinin o inde. pero magiging maayos naman po kayo nung isa kung talagang magpupursige kayong ituloy ang relasyon nyo kahet ganyan ang sitwasyon nyo.” sa mga sandaling ito napa tulala nalang si kuya at nanahimik ng onti at bumalik sa pagkain.

nagpabasa din yung kasama nung isang ate. nagulat nga kame ni edong, inilibre pa nya kame ng dalawang softdrinks. at yung isang ate naman eh nanglibre ng dalawang itlog para samin ni Edong. nagpasalamat nalang kame at ininom ang softdrinks, si Edong kinain nya ang inilibre sa kanyang itlog, yung akin itinago ko nalang sa bag kase busog na talaga ako. pagtapos ko basahan yung kasama ni ate, nagpabasa din si atashi sakin at nagtanong tungkol sa lovelife nya kung magkakaroon pa ba sya nito at tungkol sa pag asenso nya dito sa maynila. kinikilig na pumili ng baraha si atashi nung nagtanong tungkol sa lovelife nya pero mukhang inde masyado natuwa sa sagot kase ang sabi eh kelangan daw nya muna ayusin ang sarili nya bago nya makita ang para sa kanya. maambon ambon na nung mga panahong ito kaya nagmamadali na din ako magbasa.

natapos na basahan si atashi. biglang tumayo si kuya at lumapit ng kaunti samin “pwedeng isa pa?” ang hirit niya.

“sige kuya. ano po ba tanong nyo?”

“eh ano… pano yung taga-dito… magiging maayos ba ang relasyon namin??”

nagkatinginan kame ni Edong at walang hiyang naghalakhakan sa harap ni kuya sabay banat ng “TOTOO NGANG MERONG PANGALAWA! GYAHAHAHAHAHAHA”

kaya ayun, binasahan ko si kuya hehehehehe ang sabi eh kelangan nya mamili. kung gusto nyang ituloy ang karelasyon nya dito kelangan nyang hiwalayan yung nasa abroad ngunit hindi muna sila pwedeng magkarelasyon ng taga dito sa maynila pagtapos nya makipagkalas dahil kelangan nya muna ayusin ang sarili nya. Natulala nalang si kuya sa sagot at wari kong napag isip sya ng bonggang bongga sa mga sinabi ko sa kanya. hehehehehe

natapos na at tumuloy na kame. nagpaalam sa atashing meh ari ng gotohan at bumatsi. baon baon ang itlog sa bag at isang damakmak na bungisngis dahil sa kuyang haliparot. tumawid at sumakay ng bus pauwi.

*whew* inde ko namalayan ang haba pala ng kwento ko >_<

mukhang madami dami pa kong pagdadaanan na ganito. nagsisimula palang ako. hindi na ko magugulat kung madaming bigla nalang lalapit sakin na hindi ko kilala para magpabasa at humingi ng advice. dyusme! >_< bahala na si batman! alam kong madaming kakabit na problema to, mas lalo na kelangan kong magsiwalat sa mudrakels ko tungkol dito. sya ang numero unong makakabangga ko dito. pero sa tingin ko, malalampasan ko naman to.  siguro eto din ang dahilan kung baket pinapaayos sakin yung sa may garahe namin na swing area… malamang, dun ako tatanggap ng mga “bisita/cliente” ko hehehehe naku eto na. dahil idol na idol ko si Ichihara Yuuko ng xxxHolic, malamang ganito na nga ang magiging kapalaran ko.

ang tanong: san kaya ako makakakuha ng shalan na kimono at shalan na long pipe? kelan ko kaya makikilala si watanuki at si mokonang itim? asan na kaya si maru at moro ko? GYAHAHAHAHAHAHAHAHA XD

nakakabaliw. nakakawindang. pramis.

Advertisements