BAKET??? …… sige sabi ko nga, makulit kase ako. -___-

by Klairewind


sa hindi maintindihang dahilan, pangalawang araw na ‘to na hindi ako makagamit ng facebook ng matino. palagi nalang tuloy ako gumagamit ng mobile interface ng facebook para makichismis. naisip ko bigla, anu naman kaya ang pinapahiwatig sakin?

 

kagabi naintindihan ko kung baket. meron kaseng ayaw ipakita sakin na larawan para daw hindi ako masaktan ng bongga. sabi ko nga eh. sunod sunod pa mandin yun. hehehehe

 

ngunit ngayong araw na ‘to… baket nanaman ba? anung meron? yun pa din ba yun? o dahil meh kelangan akong gawing iba bukod sa pag pepeysbuk kaya ayaw sakin ipagalaw ang peysbuk ko?

 

oo nga sabi ko nga…. mag aaral daw kase ako ngayong araw na ‘to ng “Awakening of the Kundalini”. kelangan mabawasan muna ang mga bagay na gumugulo sa isip ko at kelangan ng buong pusong pagsuko sa tadhana >_<

 

ang hirap pala gawin nun.

 

kung minsan naiisip ko, “bawal  ba ko maging masaya sa pang sarili kong kapakanan? baket ba kelangan nalang palagi sa ibang tao napupunta ang kaligayahan na gusto ko?”  bigla nalang may bubungad sakin “pano naman kaya ano? ayusin mo daw kase muna ang sarili mo bago ibigay sa’yo yan. hangga’t hindi mo nahahanap ang sarili mo at tanggapin kung ano ka, hindi ka magiging masaya.”

 

*buntong hininga ng malalim* -________-

 

at eto na nga, nakita ko nanaman ang dahilan kung baket hindi maayos ang FB ko ngayon. ayun nanaman kase!

 

sige sabi ko nga. makulit ako eh 😐

Advertisements