mahsdfgdjfasdkjfhdskfh….. gah… goodmorning :))

by Klairewind


was actually planning to wake up a lot more earlier today to do some yoga exercises (naks oo gusto ko gumanon) but for some reason didn’t have much of a push to get out of bed XD ang sarap kase ng pakiramdam nung bedsheets na nakapulupot sayo tapos medyo malamig lamig pa tapos may mga unan na nakapalibot… pakiramdam mo parang ayaw mo na talagang bumangon sa kama!

but anyway, i guess i’ll have to get used to sleeping early first before i decide on waking up early para naman hindi ako sabog pag gising 😛 makes sense to me… makes sense…. ah crap my brain might comprehend but my body will have to take a beating from that lol

i hate having to rely on coffee to wake up. caffeine isn’t really good for you >_> isa isa ko na ngang tinatanggal ang mga adiksyon sa katawan ko, kaya ayaw ko naman simulan ng panibago.

tulad ng nabasa ko kagabi, discipline is not the key to success. kelangan daw magkaron ka muna ng passion sa ginagawa mo. pagtapos nun, everything else follows. 🙂 kung kaya’t kelangan ko ng masayang dahilan kung baket kelangan ko gumising ng maaga araw araw… hmmm….

naalala ko nun nung maliit pa ko, siguro mga 8 or 7 ako nun, gustong gusto ko nakikita ang sunrise. dahil sa tamad din kase ako, minsan ko lang nagagawa gumising ng 4:30 or 5am para tumunganga sa may labas at may konting oras pa para mag star gazing pagtapos nun eh iintayin ko na lumitaw si haring araw. tuwang tuwa ako pag nakikita ko nang nagiiba yung mga kulay sa langit. nakakamangha kase tignan.

ngayon nakikita ko lang ang pagpalit ng mga kulay ng langit kapag naisipan kong lumabas sa hapon… hindi pareho ang feeling kumpara sa hinihintay mong lumitaw ang araw. iba ang pakiramdam kapag lumitaw na ang buwan at mga bituin.

i’m not saying it’s a bad thing, it just doesnt feel the same. totoong masaya din naman pagmasdan ang dapit hapon. pero looking forward to seeing the sunrise and the day ahead is another wonderful feeling i havnt experienced for so long.

pero…. sabi nga, wag daw pilitin. eh dapat, wag din naman tamarin. pano ko kaya ilulugar yan? hahahahaha bahala na si batman

siguro kung andito si batman binatukan na ko nun, sa kanya nanaman pinasubali ang lahat! napapagod na kaya si batman sa milyon milyong mga taong umaasa sa kanya araw araw?  hehehe magawan nga ng panibagong blog ang tungkol sa kulto ni batman :)) pero saka na, tinatamad pa ko eh :))))))

again. BAHALA NA SI BATMAN!!! :)))))))))

Advertisements