Takbuhan

by Klairewind


Kung minsan naiisip ko, anlaki laki ng mga problema ko… pero kumpara sa mga taong lumalapit sakin para humingi ng advice, naiisip ko wala pa sa kalingkingan ko yung mga pinagdadaanan nila.

 

simula’t sapul, hindi ko maintindihan baket ako yung laging napipiling lapitan ng mga taong namomoblema (pwera nalang sa pera ha) at may problema sa sarili. ultimo sa maliliit na bagay tulad ng pang hiram ng gamit at pag hingi ng opinion hanggang sa pagpapatuloy ng mga taong gusto muna tumakas sa problema nila sa bahay at pag bibigay ng mga abiso na maaring makapag bago ng buhay o desisyon ng mga taong nawawalan ng direksyon sa buhay.

 

hindi ako perpektong tao.  madami din akong kapintasan sa buhay ko. ngunit kapag may taong gustong humingi ng tulong sakin, bihira talaga akong tumatanggi. sa tingin ko eto na nga ata ang calling ko. kumbaga minsan naiisip ko para akong lighthouse para sa mga bangka/barko na nasa laot. sa tingin ko wala naman akong messiah complex… kase sila naman yung kusang lumalapit sakin at ako wala akong kamuang muang sa mga hinaing nila hangga’t hindi nila sinasabi sakin. pero sige aaminin ko, dati ganun ako mas lalo na sa mga nakaraan kong mga minahal pero nakakasawa eh… dahil narealize ko, kahet anung pilit mong tulungan baguhin ang tao, hindi sila magbabago dahil sa sinabi mo. magbabago lang sila kapag nagkaron sila ng kusa sa sarili nilang ayusin ang buhay nila. ang ginagawa ko lang ngayon eh tumulong sa mga tao sa abot ng aking makakaya. kung hindi ko sila tutulungan, may ibang taong tutulong sa kanila..ngunit mas pipiliin ko silang tulungan kapag alam ko namang may maitutulong talaga ako. masyado ako mabait kung minsan, hindi ko din maintindihan sarili ko.

 

noon naalala ko may isang beses na sabay sabay nagpuntahan sakin yung mga kaibigan kong may problema. yung kaklase ko dati nung college lumayas sa kanila kase may hindi sila pagkakaintindihan ng mudra nya. yung isa naman meh problema sa boypren nya umagang umaga nag walk out sa pinagtatrabahuhan nya dahil nag away sila nung nanay nung jowa nya. tapos nung hapon naman, yung isa ko ding kaibigan eh dumiretso sakin galing trabaho nya dahil nabulilyaso sa tabaho at ako ang napiling stress ball…. hahaha nakakatawa nalang minsan. kaya pasalamat ako, ang mga problema ko ay hindi kasing lake ng mga problema nila kung iisipin.

 

pano naman kapag ako na ang may problema? pasalamat nalang din ako, may natatakbuhan ako. ang iba sa mga taong tumatakbo sakin ay natatakbuhan ko din. yun ang masayang parte dun.

 

pero nakikita ko… pagtagal ng panahon, hindi lang puro kakilala ko ang tatakbo sakin. pati na din ang mga taong hindi ko kakilala. hehe… goodluck nalang sakin. pero alam ko namang hindi ako papabayaan ni Principal.  wala pa naman binibigay si principal sakin na hindi ko kinaya eh.

 

 

Advertisements