My Unbirthday Wish List

by Klairewind


bilang na ang mga araw, i’m going to be another year older >_<

karaniwan, hindi ako mahilig mag celebrate ng birthday. kuntento na ko sa simpleng kain sa labas at birthday cake. makasama ko lang pamilya ko at mga kaibigan ko ayus na.

pero ngayong darating na birthday ko, gusto ko naman sana maiba ng onti. pero inde ko din naman alam kung anung pwedeng gawin… anu nga ba?

well anyway, eto ang mga bagay na gusto kong matanggap/mangyari sa bday ko ngayong taon:

  • mauubos na ang mineral mukup ni atashi! gusto ko ng bagong stock! idagdag na din ang retractable eyeliner na itim at puti! hehehe oo banidosa ako, inaamin ko yun! teka isama na din ang make-up remover na hindi malagkit para masaya!
  • gusto ko din nung shower gel na mabango XD either yung white tea ng dial or yung oatmeal nung st. ives 😀
  • gusto ko mamasyal somewhere na hindi ko pa napupuntahan or madalas puntahan. mapahiking man o simpleng trip to somewhere interesting masaya na araw ko.
  • i want new shoes!!!! hindi ako mahilig sa sapatos, sa katunayan puro nga ako slippers. kaya for a change, shoes naman.
  • gusto ko din ng bagong deck ng tarot. hindi ko naman papalitan si tarry, pero kase wawa naman si tarry malapit na syang mag retire haha at least magkaron man sya ng karelyebo para hindi sya malosyang ng tuluyan!
  • peace on earth? hahaha impossible man, pero why not?
  • eto ang bongga, ilang buwan ko na gustong bilhin pero lage kong kinakalimutan, bagong set ng keypads para sa motorola L7 ko :)) lasag lasag na kase
  • eat something exotic pero hindi naman bonggang nakakadire :))
  • MAG BEACH! pero mukhang impossible yan sa buwan na yan, kaya sige iintayin ko nalang ang summer hahaha
  • crafting materials! >_< ubos na yung colored wires ko!! hahahaha
  • ay eto… gusto ko ng halaman!!! more stuff to add to my herb garden or some hardy flowering plants with tones of blue, white, pink, red or peach 😀
  • magkaron ng matinong negosyo na pwedeng sa bahay lang! haha magtinda ng pagkain? why not!
  • bagong crush at inspirasyon, saka na ang boypren. gusto ko lang maranasan kilig-kiligin ulit 😀 (eh meron na? wehehe crass lang naman, sana magtagal ang pagkacrass ko sa kanya gyahahaha)
  • hanging lamps para sa garden! 😀 preferably something that looks a bit gothic or medieval or victorian.
  • supply ng tea light candles at incense! yes i’m such an arsonist! XD idagdag na din ang oil lamps or mga bagong kakaiba na candle holder (again with the theme: gothic/medieval/victorian 😀 )
  • AH! eto! gusto ko ng japanese lamp!!!!!!!! yung bilog!!!! >_< arghhhhhh gusto ko yung meh design!!!!
  • at dahil sabi ko ding mahilig ako sa slippers, gusto ko ng Geta!!! yung may “ha” na takong inde yung bakya style 😀
  • sana magkabati bati na lahat ng mga nag aaway wehehehehehe
  • new curtains for my room, preferably something deep purple/indigo na may accents of red/turquoise na mukhang medieval or victorian 😀
  • gusto ko maging masaya palagi. pati yung mga tao sa paligid ko gusto ko palaging masaya. kung hindi man, sana inde na ko madawit ulit sa mga kakaibang intriga :p
  • shalan na kimono na may butterflies na design 😀 something black? lol para yuuko na yuuko ang dating ^^
  • sana maparepair na yung mga sira kong rings >_< lage ko kase nakakaligtaan ipaayos haha
  • sana hindi na ko lage binobongga ng mudak ko dahil sawang sawa na ko sa kaka chukchak chenes nya sakin dahil madalas syang maging pakielamerang palaka.

sa ngayon, yan palang naiisip ko >_< kung may mga mabait na magbibigay sakin nyan, tenkyu :> kung wala, ayus lang ahaha alam ko naman in time mapapasakin din yung karamihan dyan sa listahan na yan (think positive thoughts ika nga) 😀

sana maging makabuluhan ang taong ito para sakin at para sa mga taong nakapaligid sakin. nararamdaman ko talagang madaming kakaibang mangyayari ngayong taon na to XD goodluck nalang 😛 bring in the good vibes!

Advertisements