Unparalleled Parallel Worlds Collide

sometimes, things aren't what they seem

Month: May, 2011

Happy :D


and just like that, unexpectedly, the world has granted me happiness.

thank you… for coming into my life  ❤ 🙂

Zetsuboshita


oh denizen of the alternate reality that haunts me, i pray to thee, leave me be.

take thine cup of melancholia away from me.. i have no desire to wallow in despair.

my heart has grown weary of longing for something that had ceased to exist.

alas, it may be that the fates had fancied playing a prank on my mundane essence.

“to the wounds that never heal, the more you push, the more it bleeds..” a scar upon  thine bosom.

i wander… a long long journey… only to find myself back to where i had left.

yet i shall travel  another stead, far far away, with the hope of coming into the reality of where i should be.. 

stupidity.


oo, katangahan.. ako na talaga.

sino ba namang tanga’t kalahati ang magbabasa ng logs na kikiligin at sa kalagitnaan eh iiyak ng bonggang bongga na walang tigil? ako lang… ako lang talaga.

taena, ubod talaga ako ng masochista ano? kahet naiyak ako, basa pa din ako ng basa ng logs.. taena sorry naman, tao lang ako.. namimiss pa din kita kahet na nagmukha akong tanga nung araw na iniwan mo ko.. hanggang ngayon, naiisip pa din kita — namimiss ko yung mga usap natin kahet na minsan walang kwenta yung mga pinagkwekwentuhan natin, namimiss ko yung lambingan natin, namimiss ko yung  mga panahon na kahet na inde tayo nag uusap kapag magkatabi tayo pero parang nag uusap pa din tayo na hindi ko maintindihan kung pano yun pero yun na yun(ako lang kaya nakaramdam nun?), namimiss ko yung mga panahon na nakatambay tayo dun sa special area natin at nagkukulitan/ naghaharutan… tae, andami kong namimiss tungkol sayo.. pero malamang, hindi mo namimiss yun… naiisip mo kaya ako kahet na minsan lang?

kanina nabasa ko yung isang log kung kelan ipapakilala mo ko sa pamilya mo kinabukasan nung gabing yun. tuwang tuwa ka, walang pag aalinlangan. ako din, tuwang tuwa, may halong kaba pero hindi ako nag aalinlangan. sa totoo lang, yun din kase ang unang pagkakataon na napakilala ako ng minamahal ko sa kanyang mga magulang at mga kamaganak, hindi man pormal ang setting pero nakakatuwa pa din isipin. at ako naman si tanga, natutuwang nagbabasa pero sa parehong pagkakataon eh panay ang tulo ng luha ko at di mapigilang humihikbi sa pagiyak. amfota.. ang tanga tanga ko talaga ano?

naalala ko pa, meron akong isang maliit na notebook nung nanliligaw ka palang. oo notebook. hindi mo na siguro naaaalala pero diba sabi ko sayo eh ang panliligaw mo sakin eh may mga quizzes na practical exam at meh finals ka pa para makapasa ka sakin.. sa bawat araw nun halos walang mintis, nagsusulat ako sa notebook na yun ng mga nangyari sa araw na yun, magkita man tayo o hindi. sinusulat ko dun kung anu sa tingin ko yung mga strong points at weak points mo at yung mga pasundot sundot na kilig moments ko sayo at kung gano na kataas yung kilig factor. tae parang highschool lang :)) actually ang balak ko pa nga sana noon eh.. ibibigay ko sayo yung notebook na yun kapag naka-isang taon na tayo… kaso.. wala eh. wala din naman akong magagawa dun. hindi ko na matandaan kung naitapon ko ba yung notebook na yun o namisplace lang sa ibang gamit. dapat kase isasama ko din ipaanod yun sa ilog na malapit sa escolta kasama yung mga ibang gamit na bigay mo or mga gamit na nagpapaalala sakin tungkol sayo nung nagkahiwalay na tayo.. 

mahirap makalimot. maslalo na kung nagmahal ka ng tapat. pero kelangan tanggapin na ang nakaraan ay nakaraan na. pero minsan andami pa din nagulo sa utak ko. parang naiisip ko kase hindi sapat yung binigay mo saking dahilan nung nakipaghiwalay ka sakin. sabi mo wala namang mali sakin kundi sayo lang… pero baket ganun? pakiramdam ko meron din akong mali na hindi mo lang sinasabi kase siguro ayaw mo nang madagdagan pa yung pananakit na ginawa mo nung gabing yun.. pero hindi ako matahimik 😦 gusto ko malaman kung meron ba kong ginawa na bagay na maari ding nakadagdag sa dahilan kumbaket kinailangan mo kong iwanan. at sa totoo lang hindi ko din maintindihan yung mga ikinilos mo nung gabing yun: gusto mong makipag hiwalay sakin pero niyakap mo ko ng hindi ako matigil sa pag iyak. nung paalis ka na, pinigilan kita para yakapin, nagpatinag ka at niyakap mo din ako — kung desidido ka na talagang umalis eh dapat hindi mo na ginawa yun.  

at tae naalala ko yung t-shirt mo nung nakipagbreak ka sakin at tuwing nakikita ko yun… haha yun na din talaga ang pakiramdam na mababalik sa dati ang lahat. isang malaking S–T-K -A B-W–!!! natatawa ako at naasar kapag nakikita kong suot mo yun. >_> amfuke. 

taena eto nanaman ako.. si anal retentive. isa-isang hinihimay himay ang mga bagay bagay. 😦

dyuskopo! tama na! maawa ka naman sa sarili mo….

haaaayyyy….. gusto ko lang maglabas ng sama ng loob. mabasa mo man ito o hindi, bahala na si batman. may pumansin man nito o wala, keri lang. i’m just thinking out loud. that’s all. makatulog na nga >_>