Araw-Araw, Gabi-gabi… Part 1

by Klairewind


hango sa malikot kong isip, ang mga karakter sa istoryang ito ay pawang kathang isip lamang, kung may kaugnayan ito sa totoong buhay ay hindi ito sinasadya at echos lang 😀 hindi pa plantsado to, pag madami na ko naisip eh pwede kong baguhin to hahahahaha

———————

Ola chikadora!

“Ako si Frida Forga – intriguera by day, atribida by night! “

Sa umaga, ako ay isang anghel – tahimik, mapagkumbaba at di makabasag pinggan. Plantsado na parang inarmirol ang aking polo at kurbata at kadalasan ay bitin ang aking pantalon na may katernong tumatawang mga sapatos. Kakarampot lang ang aking sweldo kung kaya hindi ko manlang maipambili ng mga bago kong mga kagamitan dahil kulang pa nga ito sa pang araw-araw na gastusin para ako’y mabuhay. Gayun paman, sinisikap kong palage akong magmukhang presintable kahet ako’y palaging kapos. Nagtatrabaho ako bilang sekretarya sa isang maliit na law firm. Hindi mo ko makikitang pakalat kalat, madalas kase nakapwesto lang ako sa isang tabi at nangangalap ng impormasyon sa aking munting sulok kaharap ang isang kakarag-karag na tiklado. Kahet tambak ang aking trabaho eh madalas na di ko mapigilan maghaba ang aking tenga at pasulyap sulyap sa mga tao at bagay na dumadaan o nakapaligid sakin. Nabubuhay ako sa makulay na mundo kung saan lahat ng mga uri ng tao ay nakakasalamuha ko’t pinakikibagayan.  Kung minsan nga’y naiisip ko nalang na may mga bagay na hindi mo mare-realize sa buhay mo hanggat hindi mo nakikitang nangyayari sa ibang tao bukod sa sarili mo. Sa araw-araw na ginawa ng Diyos eh madami akong nakikitang mga bagay at nilalang na hindi mo akalaing mapagbalat kayo pala. Sa umaga, akala mo kung sinong santo/santa, pero sa gabi sila’y nagbabagong anyo na parang hunyango.  Ngunit naisip ko’y hindi ko naman sila masisisisi… kung minsan ay matindi lang din ang mga pangangailangan nila at may kanya kanyang mga dahilan ang bawa’t isa kumbaket nila ito ginagawa.

Pagsapit ng gabi, kasapi na din ako sa mga hunyangong ito. Kung sa umaga’y para akong tood na walang bahid ng karimlan, sa gabi ay hindi mo nanaising ika’y aking masulyapan at baka kita’y madarag lamang. Hindi ako nagmamalinis, dahil kung minsan mas mabaho pa ko sa karamihan. Ginagawa ko ito hindi lang dahil sa kinakailangan ko, ngunit dahil ito ang tawag ng aking dugo’t laman.  Gabi-gabi akong nasa entablado : nagbibigay aliw sa aking mga suki, sinisiwalat ang aking mga maiitim na sikreto sa madla, kinakarinyo brutal kung kinakailangan upang makuha ang kanilang atensyon. Minsan, hindi ito madali para sa akin. Pakiramdam ko eh para akong isang baboy, binibigyang aliw ang aking mga taga tangkilik ng hindi na iniisip ang aking sariling puri.

Malamang sa puntong ito ay naiisip mo na isa akong kalapating mababa ang lipad…

eeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeennnnnnnnnnnggggggggggggggggg! MALI!

Ako si Frida Forga – intriguera by day, atribida by night! Isa akong echoserang stand-up comedian sa isang kilalang bar dito sa Maynila.  Oo, tama ang narinig mo, isa akong intrigerang chismosa na wala nang ginawa kung di pagtawanan ang buhay ko at ang buhay ng may buhay at kung minsan pa ay unti unting hinahalukay ang bawa’t laman at kaluluwa ng kung sino man ang aking mapagtripan. Sa entabladong eto sinisiwalat ko ang lahat ng hinanakit ko sa buhay upang gawing katawa tawa sa madami. Dito ko nilalabas ang aking lungkot, ang aking ligaya. Dito ko kinukuha ang aking kinabubuhay… eto ang buhay ko! Kung ano man ako sa umaga, yun ang aking pagbabalat-kayo. Kung ano ako sa gabi, yun ang tunay kong anyo! Ako’y dalawang tao sa iisang katawan, pareho silang hindi nakikilala ng karamihan dahil pilit ko silang tinatago. Ngunit sa pagkakataong ito’y aking isisiwalat na ang lahat, dahil pagod na kong maging hunyango.

Ako si Arnulfo Ryan Hawkings, at ito ang aking storya…

Araw-araw, gabi-gabi
Ay naghihintay
Ng ligayang ‘di malasap
Ng sawi kong buhay…..

Masaya.. Makulay.. Maharot.. Ma-drama..  Umaalingasaw! Yan ang ilan sa mga katagang maari mong masambit sa kwento ng aking buhay. Bunga ako ng isang masalimuot at bawal na pag ibig ng isang G.I. Joe at maharot na dalagambukid……

—————————————-

ABANGAN ang susunod na kabanata! 😛 tinamad na ko dagdagan yung pangalawang part eh :))) saka nalang para may pang sabik ahahahahahaha :))))

Advertisements