bye bye na..

by Klairewind


inde ko aakalaing magiging totoo ang binasa sakin nung nakaraang buwan..

pagsasawaan mo din sya.

nung una hndi ako naniwala. kinombinse ko sarili ko n kaya ko nman sya intindihin kahet alam ko na walang kahihinatnan ang lahat.

ngunit sa isang iglap, sa kaisa isang pangyayari — nauntog at nagising ako sa panaginip na pinipilit kong buuin pero naging tila bangungot pala na paulit ulit ko lang napapanagnipan at di matakasan.

baket ba ko nagtyatyaga sa ganitong sitwasyon kung ang pinapahalagaan kong bagay eh hindi nman talaga ako pinagpapahalagaan?

nasuya na din ako. alam ko meh kasalanan din nman ako sa sarili ko at pinaabot ko pa sa ganito. kung sana noon pa lang bumitaw na ko ng tuluyan at di n umasa pa eh di sana d na sumakit pa ulo at dibdib ko.

pano, matigas kase kokote ko. di pipigil hangga ‘t d nasasaktan ang sarili. pero pano k dn naman kase matututo kung di mo pagbibigyan na masagot ng karanasan ang mga tanong na bumabagabag sa isipan?

paalam. paalam na talaga. pasensya na at humantong pa sa ganito. salamat sa lahat ng ala-ala.

Advertisements