dead on arrival

by Klairewind


“……………”

yan lang ang nasabi ko pgkaalis mo.

nagblanko ang lahat. para akong nanonood nanaman ng sine. nakakaiyak ang exena, masakit ang mga binitawan mong salita pero sa sandaling umiyak ako’t humagulgol parang katawan ko lang ang nakaramdam ng sakit dahil para akong binaril on the spot — sa sandaling un nakahiwalay ang kaluluwa ko at pinanonood na lamang ang katawan kong nagdudusa at nakalumpasay sa semento at di manlang nararamdan ang dugong nadanak sa dibdib.

award teh, akala ko sa sine lang ang mga exenang un, di ko akalaing pwde din pala akong sumabak sa drama.

inde ko alam kung anong nararamdaman ko ngayon. kahet paulit ulit nagrereplay ang exena sa utak ko, walang nagsisink in sakin. ganun cguro talaga pg malalim ang sugat, kahet nabulwak pa ung dugo wala kang nararamdamang sakit kundi ung mainit na luhang naagos nlng sa mata mo. gusto m magsalita pero paisa isa lang ang lumalabas sa bibig mo tulad ng salitang “masakit”.

“tama na.”

yan ang mga huling katagang nabitawan ko bago ka umalis. sa huling sandali ikaw pa din asa isip ko. ayaw kong nasasaktan ka kahet na kasabay nun ay ang mga katagang pang iinsulto sakin ng harap harapan. ayokong pinapahrapan mo ang kalooban mo ng dahil sakin. masakit para sakin un.

siguro bukas ko pa mararamdaman ung nana nang iniwan mong sugat sakin dahil ngayon wala akong maramdaman. ang masama nito pano kung walang nana dahil nauwi bigla sa necrosis ung sugat? ewan. makatulog na nga lang muna.

Advertisements