Ang Kulto ni Batman

by Klairewind


“BAHALA NA SI BATMAN!”

disclaimer: pictures posted here are not of my own creation or ideas. you can click on the pictures and see where they came from 😛

(This post is loooong overdue and was saved in my drafts for over 3 years, I guess now is the time to make this public 😀 )

Most of you would find this first picture blasphemous. but before you react, let me give you some ideas that would make your head spin 360 degrees.

Sa inaraw-araw na ginawa ng Diyos, sinong pilipino ang hindi nagsasabing “Bahala na si Batman?” Mula sa kaliit liit na desisyon katulad ng pag plano ng lakwatsa hanggat sa malaking desisyon tulad ng paghanap ng trabaho at pagkuha ng mga exams ng mga estudyante at pagtaya sa sugal eh nakakabit ang katagang yan sa mga bibig ng pilipino. ops ops, wag mag malinis… ‘Wag mong sasabihin ni isang beses sa buhay mo bilang Pilipino eh hindi mo nabanggit yan? :))

Naglalaro sa isip ko palagi kung san nanggaling ang mga katagang “bahala na si batman”. ayun sa nakalap kong research, ang salitang “bahala na” ay nagmula sa “BATHALA NA” na ang ibig sabihin ay “si Bathala na ang bahala”. Eto ang mga katagang lagi nating nababanggit kapag tayo at napepressure,  kapag nagawa na natin ang lahat ng ating makakaya to the best of our abilities pero inde tayo ganun ka satisfied o kabilib sa mga naging resulta. Minsan nababanggit din ang mga katagang ito out of “fearless abandon” to what ever things that may still come your way unexpectedly.

Pero…. baket maraming sumasampalataya kay batman? At paano naikabit ang pangalan ni batman sa mga katagang “bahala na”? Ihihimay-ihimay ko ang mga haka-haka kong naiisip na dahilan kung baket bukod tangi si batman ang nagiging biktima para pag-iwanan ng mga problema ng sandamakmak na Pilipino:

Unang-una: Isang kataga mula sa wikipedia tungkol keh Batman:

Unlike most superheroes, he does not possess any superpowers; he makes use of intellect, detective skills, science and technology, wealth, physical prowess, martial arts skills, an indomitable will and intimidation in his continuous war on crime.” dahil tao lang din si batman at nagagawa nya ang ipagtanggol ang mga naapi sa sarili nyang kakayahan, madami sigurong napapag isip na kaya din nila gawin yun. nagkakaroon tayo ng katiting na inspirasyon na pwede din tayong maging tulad ni Batman na ginagamit lahat ng maaring magamit na paraan para umasenso o malampasan ang bawat pagsubok natin sa buhay. Ngunit hindi naman lahat ng tao eh kasing talino, marnunong mag martial arts, may common sense,  at may yaman ni Bruce Wayne a.k.a Batman. Masyadong IMBA si batman sa mga ganyang aspeto kung kaya maaring madaming nag sasabing “sige na, ikaw na talaga!”

Pangalawa: “Batman makes it seem like fighting crime is as easy as a finger snap” More often than not, when we are presented with a challenge we tend to say “Ah! Madali lang yan! Yakang-yaka ko yan!” We tend to overlook details and miss the bigger picture or see the bigger picture and overlook the small details so when worse comes to worst, we give up trying or we tried but felt it wasn’t good enough because we thought it was easier done than said.  again, when we get fed up with all the pressure we just say “BAHALA NA SI BATMAN!!!”

Pangatlo: “A name that’s more tangible to be an escape goat but doesn’t sound to be as blasphemous” Minsan mas madaling sabihin na bahala na si Batman kesa bahala na si Lord maslalo na kapag may ginagawa kang kabalastugan. Ika-nga , ‘di ba, “Do not take the Lord’s name in vain.”

Pero dahil kung minsan nasasapian tayo ng espiritu ni Juan Tamad, ipinapasa natin keh Batman ang lahat. Nawawalan tayo ng control sa ating mga pansariling desisyon at diskarte sa ating mga pang araw-araw na gawain sa buhay kung kaya’t maya’t-maya eh maraming nakikisapi sa kulto ni Batman para mapadali ang buhay nila. Batman is then elevated into “God Status” dahil siya ang sagot sa lahat ng problema. Si Batman at si Batman lang ang salbasyon sa lahat ng kapalpakan at kabalbalan na hindi natin kayang akuin ng buong buo at masasandalan sa oras ng pangangailangan ng lakas ng loob at tiwala sa sarili. Kung tutal naman eh hindi naman siguro makakaangal si Batman kasi kahit mayaman si Batman eh wala naman siyang teleporter and, when all else fails, madali sisihin si Batman kasi wala siyang supersonic hearing para irescue tayong mga Pilipino sa mga katangahan na pinag-iwanan natin sa kanya at kesa sisihin natin ang ating sarili eh di “BAHALA NALANG SI BATMAN”, ‘di ba? :))

Advertisements