Unparalleled Parallel Worlds Collide

sometimes, things aren't what they seem

Category: DIY

Let’s make Milk Tea!


Mahigit sampung taon ko nang iniinom tong drink na to.. hindi ko din maintindihan pero humaling na humaling ako sa lasa nya :)) yun nga lang habang lumilipas ang panahon, pamahal sya ng pamahal T_T natatandaan ko dati asa P36 lang ata sya nung una ko sya nadiskubre eh ngayon mahigit P50 na ata sya.. haha talk about price hike! so anyway.. ayun nadiskubre ko, madali lang pala sya gawin :> tinignan ko yung ingredients at sakto meron ako nun dito sa bahay ^_^ puro extract nga gamit dun sa nasa bote so naisip ko, why not use the real thing? dava? eh di mas madami ka pa magagawa!

here’s what you need:

1 tea bag of barley tea

2 tea bags of black tea (you’ll need two kase malaki yung tea bag ng barley, para mabalanse yung lasa)

powdered milk (i used bear brand on my first atempt, it went well… yun nga lang i havnt mastered the correct ratio for this, siguro dapat konti lang ang lagay)

about 500mL of hot water and 500mL of cold water

sugar (measure according to your preference)

here’s what to do:

steep the barley and black tea in 500mL hot water, wait for it to cool down then transfer the mixture sa 500mL of cold water.  set aside for a few minutes along with the tea bag para mailabas pa ng husto yung flavors na natira dun sa bag. take out the bag, then add the powdered milk and sugar 😀 then add some ice (if you want) or chill it in the refrigerator until it’s ready to be served! you now have 1Liter of your very own version of the “mine shine” milk tea! you can get creative if you want by putting some black sago pearls! ^_^ nyam nyam nyam!

Uber-flowing Mind Overload


**sideline muna bago ang main event**

ofukuro: baket mo binuksan ang redwine?

atashi: eh ipinangluto ko, mukhang malapit na kase maexpire eh

ofukuro: inde naman naeexpire ang wine eh baka naman pinang inom mo nanaman yan?

atashi: (iniisip: anung inde? andami na nating expired na bote ng wine dahil inde nyo ginagalaw at nadurog na ang cork at naging suka na sa sobrang tagal!) inde, pinangluto ko nga lang

ofukuro: ikaw inom ka ng inom inde mo ba alam habit forming yang pag inom magiging adik ka pagtumanda ka na! nakakahiya ka!

atashi: (iniisip: hmm? inde pa ba ko matanda na? 27 na ko? ilang taon na ba ko sa tingin nyo? 18? at inde naman ako tanga para hindi malaman yan? dyusmiyo!) *nanahimik nalang bago pa makasagot ng hindi kanais nais sabay tawa nalang sa kalooblooban*

amfota, alam ko naman tumigil pag talagang kelangan tumigil. alam ko ang limits ko. inde ako tanga amfota.  tska pag ako meh kinaadikan alam ko na ang patern nyan: mag aadik ng bongga tapos paglipas ng ilang buwan.. paunti unting humuhupa hanggang sa hindi ko na sya masyado ginagawa kase either nakakatamad na syang gawin o hindi ko na nakikita ang silbi kung baket ko pa sya ginagawa. kahet kelan inde ako nagkaron ng “withdrawal symptoms” pag tumigil ako sa pag aadik sa isang bagay. i’m confident enough to say malakas ang control ko dyan. ika nga nila “it’s all in the mind.”

———————————————–

buong araw kung anu anu ang naiisip kong gawin na pampadagdag sa aking maliit na tambayang hardin. nagbutingting ng mga panibagong ilaw at gagawa sana ako ng lantern mula sa pinagtagping bote ng pepsi max pero bigo ako sa kinalabasan dahil hindi ako natuwa kase hindi naging blue yung tint nung ilaw 😐 kung kaya’t inayos ko nalang yung plant box nung garden at nilagyan ng black light yung gilid ng wall sa likod nung mga nasirang salamin na katambak. sa kabilang dulo naman ng swing eh pinakinabangan ko yung 19kopong-kopong naming lampara na nakabalandra lang sa isang tabi at ginamit muli 🙂 ayan! maganda na! pero parang nakukulangan pa ko….

madami pa kong gustong ilagay. gusto ko gumawa ng maliit na bangkito, lagyan ng vines yung isang bahagi ng hardin para magkaron ng parang vine wall effect chorva at siguro maglagay pa ng kung anu mang karagdagan na lantern para pagtumambay dun eh parang iisipin mong asa isa kang maliit na cafe sa labas 😀 balak ko din sanang ayusin yung coffee table na marmol na may chessboard na nakaukit at maghanap ng mga piyesa ng chess para naman mapanindigan nung table na pwede pa din syang paglaruan :))  maglagay kaya ako ng puno sa gilid? maglagay kaya ako ng aromatheraphy na lantern? maglagay kaya ako ng windchimes? fota andami kong naiisip… kaso sa kakaisip ko ng gusto kong mangyari… tinatamad akong gawin -___-

swing area ^_^