lady of the land


was browsing through my old multiply account and saw this entry i had a few years back, wala lang icocross post ko lang dito 🙂

————————————————————————————-

Aug 24, ’09 5:04 PM

matagal na panahon na, hindi na ako nakakasulat dito. ngunit subalit datapwat — naisipan ko lang magsulat ngaun kase…. WALA LANG.

nanaginip si atashi ng isang shalala na scene, parang fantasy ang drama na mas shalala pa sa narnia at lord of the rings… isang lugar kung saan ang lupa at ang kastilyo mismo ang naglalakbay, 3 araw lang, andun ka na sa destinasyon mo.

makikita mo ang bawat araw na nagdaan sa isang malaking orasan. ang unang marka ng orasan ay may simbolo ng hangin. ang pangalawa nama’y may simbolo ng apoy. at ang pang huli ay may simbolo ng  buwan — at ito ay nagpapahiwatig na ika’y nandun na sa iyong destinasyon. 

sa bawa’t araw eh matatanaw mo na nag iiba ang paligid mo, nung unang araw napansin ko na may malawak na lupain na luntian, parang pastulan pero ang mga ulap ay kulay kahel. hindi ko matandaan ang pangalawang araw dahil daw ako’y andun sa may terasa at maghapong nagbabasa ng libro. ng ako’y napatingin sa “orasan” at nakita kong ito’y tumapat na sa buwan, ako’y nagmadali at galak na galak na lumabas ng kastilyo upang pagmasdan ang aming destinasyon….

(ehem, mahirap maghanap ng tagalog words para madescribe ng maayos to kaya magmamaganda akong mag e-english)

As i stepped out of the castle, i saw a breathtaking and captivating view. The moon has dawned (yes that’s how i remember it, i didnt say sunrise for some weird reason) and the horizon was painted with hues of oranges, blues and greys and the clouds so majestically shapped like guardian Lions protecting the vast cobalt blue sea caressed by an ashen shore with patches of silver. We leaped in a single bound as we let the wind carry us to where the water meets the land. As we stepped, the ground crumbled beneath us and waves suddenly washed in to drench our feet. I came to realize that i suddenly couldn’t move and the waves were ebbing the shore away, my feet digging deeper into the sand. i tried to cling unto “the mistress of the land” but she was too weak to pull me out. A man that turned into a boy had risen from the waters. The mistress of the land pleaded out to him for help “Dana (english-jap for comrade), will you please help me to pull her out of the water?” The strange little boy complied and went to the shore to help pull me out. The mistress of the land grabbed my left hand and the boy my other hand then they both helped to pull me out. But the sand in which the lady of the land was stepping on crumbled and she fell into the water along side me. She fell in because her element of expertise was the same as mine: Air. I rushed in at her with great panic and with an unknown strength carried her out of the water because i didn’t want her to drown. The little boy pulled back a bit, amazed by the sight… and then….

WALA NA NAGISING NA KO EH.

>_>

akshuli meron pa isa kasunod yan, pinilit kong matulog ulit nung nagising ako at inisip ko talaga kung san ako huli tumigil. nagkaroon nga sya ng sumunod na kabanata pero tinatamad na akong magsulat. hahahahahahahaha sa susunod nalang kaso parang tinatamad nanaman ako. 

naisip ko lang, siguro naglakbay nanaman ang kaluluwa ko ng bonggang bongga. kase wala naman akong napapanood or nabasa na fantasy lately >_< 

wala lang, nagmamaganda lang ako mamahagi ng aking panangginip.

Abangan ang susunod na kabanata!